One day at a time they said.🥹 Salamat Wooof Gang Fairview hinigitan nyo ang expectations ko. Nasanay nako na pag gino-groom sila sa labas hindi nalilinis lahat at palagi kong iniintindi kasi alam kong mahirap talaga e-handle ang mga chow chow, pero hindi nyo pinabayaan ang mga anak kong umuwi na hindi malinis lahat ng parte ng katawan. 🥹 Thank you ng sobra sobra! 🙏🏼🤍
Napipicture kitang masayang nakikipagkwentuhan sa mga bagong kaibigan mo dyan at naririnig ko yung boses mo na sinasabing "Excuse lang tol, andyan na si Misis". 🥺 Siguro kasi ganon ka talaga eh, kahit na sinong kausap mo pag nakita mo ako titigil ang usapan nyo para batiin mo ako. 🥹 May mga bago akong natutunan sa mga kapatid na Muslim bhabe. Pwede pala kitang basahan ng Quran at diligan. Bukas magdadala ako mas maraming tubig. 🙏🏼
Ang dali-daling sabihin para sa iba na "mag move on ka na" or "mag asawa ka na lang ulit". Pero hindi nila alam yung hirap, yung bigat, yung sakit, yung hinanakit na maiwan ka mag isa. Hindi nila alam yung hirap mawalan ng katuwang sa buhay. 16 pa lang ako nung naging asawa ko si Freddie, halos buong buhay ko umikot sa kanya. Paano ka magmomove on sa taong hinubog at binuo ka? Paano mo kakalimutan yung taong pinanindigan ang salitang "IPAGLALABAN KO"? Araw araw pag gising ko pinipilit kong bumangon, pinipilit ngumiti at sinusubukan manumbalik yung sigla na dating meron, pero gabi-gabi rin akong binabalot ng kalungkutan. Naalala ko pa sa hospital lagi kong sinasabi sa kanya "AKO ANG BAHALA SAYO" - "AALAGAAN KITA" - "UUWI TAYO NG MAGKASAMA" nagvivideo ako araw araw at nagpipicture sa hospital kasi gusto ko one day masabi ko na "WE MADE IT" pero lumabas ako sa hospital nang wala sya at lumuluha. Sino bang ayaw umusad? Sinong ayaw bumangon sa pagkakalugmok? Sinong ayaw makalimot ng sakit? Lahat tayo hangad na maka-move on na lahat ng taong may mabigat na dinadala sa dibdib. Pero hayaan natin sila, bigyan natin sila ng oras. Hintayin nating matutunan nilang magpatuloy sa buhay na dala-dala yung sakit kasi walang nakakalimot sa sakit ng mawalan ng minamahal sa buhay lalo na at alam mong kahit ibuwis mo ang sarili mong buhay, hindi na sila babalik pa. 😢 Dito lang ako, malulungkot, iiyak, maghihinagpis at sasaya pag gusto ko. Dadating din ang araw, matutunan kong mabuhay kasama ang sakit ng pagkawala nya. Sa ngayon, gusto ko lang munang magpadala sa agos ng buhay, hanggang kaya ko nang labanan pabalik sa kasiyahan. 🙏🏼
Pasensya ka na kung madalas akong dumalaw. Dito lang kasi ako hindi naiiyak. Pag nasa bahay, wala nang ginawa ang luha ko kundi pumatak. 🥺 Nagpapakatatag naman ako araw araw bhabe, at alam mo namang matibay ako pero ikaw ang laging kahinaan ko. 😔
Kagabi habang nakahiga at nakatulala, sabi ko sa sarili ko "Ok lang na magpakatotoo ka sa nararamdaman mo" tapos bigla kong naramdaman yung kirot sa dibdib ko na parang kuryente na dumederetso pababa sa sikmura, papunta sa likod ko. Hanggang hindi ko na namamalayan ang pag iyak ng todo. Gusto ko rin sabihin sa sarili ko na "Tama na, tahan na, magiging ok din ang lahat" pero hindi - nagpadala ako sa emosyon, iniiyak ko lang lahat ng sakit na nararamdaman ko, hanggang makatulugan ko na. Ayoko nang sabihin sa sarili ko na kelangan ko nang maging ok dahil takot akong harapin yung sakit ng pagkawala ni Freddie. Alam kong mas ok yung araw araw kong pipilitin bumangon at magpatuloy, dahil sigurado akong yun din naman ang gusto nya, pero ngayon narealized kong ok lang din naman na manghina ulit at umiyak. May mga araw na masaya akong pinapanood ang mga ala-ala naming dalawa at may mga araw din naman na puro luha ang kasabay ng aming tawanan. May araw na magaan at may araw na mabigat. Alam ko na hindi matatapos ang sakit, sabi nga nila wala naman talagang nakakamove-on sa pagkawala ng mga taong mahal natin sa buhay, natututunan lang nating mabuhay kasama yung sakit. Alam kong hindi na manunumbalik yung dating ako. Pero along the way alam kong may matutunan akong bagong pagkatao na magpapatuloy ng buhay ko. Iniwan ako ni Freddie na matatag na pero patuloy pa rin patatatagin ng panahon. 🙏🏼🤍
I was supposed to spend the rest of my life with you. And then I realized, you spent the rest of your life with me. 🥺 Tinotoo mo masyado yung sinabi mong ako na yung gusto mong makasama hanggang mamatay ka. 😢 bhabe.... 💔
Napakahirap din nga pala talaga ng healing process mawalan ng mahal sa buhay. Totoo nga yung may mga raw na magaan at may mga araw na sobrang bigat. 🥺 Tulad today, pakiramdam ko napakagaan ng araw, siguro dahil busy ako. Kahit malilinis na parte ng bahay nililinis ko na rin. Pero after ko mag voice over, mabigat na naman. Siguro kasi gabi na naman, wala naman akong ibang gagawin kundi humiga at mag muni muni hanggang makatulog. 😔 Yung body clock ko ngayon, parang sabog. Kahit anong oras ako makatulog, 3:59am pa yan basta pag patak ng 4:00am gising na ako. Ok din nga pala tong nagba-vlog ako kasi sa pag eedit sa voice over pa lang ilang oras na, kahit papaano nakakapahinga yung utak ko mag isip ng malulungkot na bagay. Nababasa ko ang mga comment nyo at sa mga katulad ko ang pinagdadaanan ngayon, sana makayanan natin araw araw. 🙏🏼🤍
I’ve been keeping myself busy lately making promo videos. It’s something I genuinely enjoy, so it never really feels like work. But today felt extra heavy. Yung lugar na pinuntahan ko, sobrang nagpaalaala kay Freddie. Bumalik lahat ng alaala. 🥺 I’m posting this video not just to share a part of my day, but to let you in on my journey of healing. Every moment, every story, every step I take is part of finding peace again. I hope that by sharing this, it can somehow guide or comfort anyone who’s going through their own kind of pain. We heal better when we heal together. 🤍🙏🏼
So and CEO pala ng Gluta Lipo ay Mr. Sir Leo, na-meet ko sya during Beucon 2024 through Ms. Joann. Very down to earth and approachable person. No wonder why namamayagpag at sobrang daming reviews na effective yung mga products nya because sabi nga nila when your heart is pure and true, God has a way of making sure everything works out in your favor. Talagang walang budol ang mga claims ng Gluta Lipo. Third day ko pa lang ginagamit, nafefeel ko na yung good effects, hindi na ako ganon ka bloated and hindi na rin ako nag cacrave masyado ng kung ano-ano, kaya hindi na ako constipated. Talamak pa naman ang body shaming ngayon, ang standard palagi para katanggap tanggap ka sa mata nila eh dapat payat ka. Meron pa akong nabasa before na hindi daw body positivity yung pagsashare at pagjajustify ng matataba, wag daw mag promote ng unhealthy living. Hindi nila alam, minsan yung stress at depression lalamunin ka. At isa sa mga pangit na nangyayari pag stress ka eh magkaroon ka ng EMOTIONAL o STRESS EATING disorder na pwedeng mag lead sa pag taba isang tao. Ang isa pang mahirap pag may ganitong problema ka eh iba-iba ang cravings mo sa loob ng isang oras. Una, gusto mo ng matamis, tapos gusto mo ng maalat, tapos biglang gusto mo ng maasim na nag le-lead sa constipation kasi kung ano ano na kinain mo. At minsan sa sobrang focus mo sa mga negative feelings mo, hinahayaan mo na lang yung constipation mo kasi iisipin mo, lalabas din naman yan mamaya hihiga kana lang muna, matutulog at manunuod ng movie para maiwasan mo yung mga iniisip mo. Hindi mo namamalayan yung constipation mo nagiging cause din ng stress mo later on kasi ma-e-stress kana magpabalik balik sa cr tapos wala namang lumalabas. Kaya sa kabila ng lahat ng nangyayari sa buhay ko, grateful talaga ako kasi napakaraming nakaalalay sa akin na hindi ako hinahayaan na malubog na lang sa stress at lungkot. Maraming nag cocomment about sa pagtaba ko, please know na hindi ako na o-offend sa inyo, bagkus tine-take ko yung comment nyo as care sa akin, pangit naman kung nagsusuffer na yung heart ko tapos pati health ko magsusuffer din. Pero please, always be kind pa rin. Not everyone will take your comment as inspiration para ayusin yung dapat ayusin sa kanila. 🙏🏼 And if you have same problem like mine na madalas bloated and constipated, I strongly suggest na try nyo to. 🤍
Asadel's Restaurant North Fairview is now permanently closed. This was one of the hardest decisions I’ve ever had to make. Asadel’s wasn’t just a business. It was a dream, a sanctuary, and a piece of my soul. It held the laughter of friends, the warmth of family gatherings, the smell of comfort food, and the energy of every sleepless night we gave just to keep it alive. Asadel’s was built not just on recipes, but on love, late nights, hard work, sacrifices, and a dream I poured my whole heart into. It was full of stories. Some joyful, some painful, but all meaningful. Now that life has taken a different turn, it’s time for me to choose healing, peace, and a new beginning. 🥹 To everyone who walked through our doors, thank you! You made Asadel’s more than just a restaurant. Every shared meal, every celebration, every familiar face, you brought this little corner of the world to life. You showed up for us with your presence, your stories, and your loyalty. You made this place feel like home, for me, and for so many others. I will carry those memories with me forever. 🤝 And oh, how I’ll miss this place. I’ll miss the late afternoons as the sun touched the windows. I’ll miss the familiar faces who became friends, and the strangers who felt like family. But most of all… I’ll miss the animals who found their safe little haven around us, the cats, the dogs, the quiet witnesses to all the stories that unfolded here. They were part of the soul of this place, and they made my days lighter in ways they’ll never know. And though Asadel’s chapter ends here, I’m hopeful that this space will continue to bloom. A new restaurant will soon take over, bringing its own dreams, flavors, and stories into this familiar space. I sincerely hope you welcome them with the same open arms and open hearts you gave me, because places live on through the people who fill them. And I hope you support them the way you supported me, because every dream deserves a chance, just like you gave mine. 🙏🏼 This isn’t the end of my story. ✨ With all my heart, thank you! For walking with me, for cheering me on, and for letting Asadel’s be part of your lives. 🤍
Laughing and crying at the same time. Sa sobrang dami nating masasayang ala-ala alam kong ayaw mong umiiyak pa rin ako. Ngayon ko lang napansin yung pag stop and stare mo habang tumatawa ako. Favorite mo yan eh, patawanin ako. Ang hirap umusad, ang hirap tumawa ulit ng ganito. Pero para din sa katahimikan mo, pipilitin ko. Alam kong ayaw mong nalulungkot o umiiyak ako, pero yakapin mo ako sa mga gabing hindi ako dalawin nang antok, yakapin mo ako sa mga oras na naiiyak ako. Pipilitin kong maging matatag para hindi ka na mag worry sa akin. 😢
GUMISING NA MAY NGITI SA AKING MGA LABI. Simula nang iwan tayo ni Freddie. Gabi-gabi akong nagdadasal na sana kahit sa panaginip, ipakita nya sa akin na ok na sya, na hindi sya nahihirapan at masaya na sya kung nasaan man sya. 🥺 Kakagising gising ko lang. Gumising na may ngiti sa mga labi. Ang tagal kong naghihintay, ngayon ko lang sya nakita sa panaginip. Ngayon ko lang muling naalala ang mukha nyang puno ng saya. Parang totoo, parang movie na slow motion, bawat galaw parang ang gaan sa dibdib, walang lungkot, walang luha, wala ring mga salita na lumalabas sa aming bibig tila mga mata namin ang nag uusap na punong puno ng saya at pagmamahalan. Niyakap nya ako ng mahigpit saka tinalikuran at naglakad palayo mahabang nakangiting kumakaway. Wala akong sakit na nararamdaman, walang kirot sa dibdib. 🥹 Pag gising ko, may ngiti pa rin sa aking mga labi at magaan pa rin ang loob ko sa mga oras na to. Nabawasan lahat ng kirot na nararamdaman ko. At nakaukit sa isipan ko ang masaya nyang mukha. 🤍 Salamat bhabe, alam kong ok ka na. Ngayon, pipilitin kong ako naman, kami naman. Baunin mo palagi sa iyong paglalakbay ang aking pagmamahal at mga dalangin na alay para sayo. Mahal na mahal kita! 🙏🏼
2019, si Scarlette pa lang ang dog ko. After few months, binili ko si Madelaine regalo ko kay Mama. Lately, madalas syang nasa ilalim ng sofa kung saan ako lagi nag i-iiyak, parang lagi akong dinadamayan. Today, maaga ako umalis ng bahay. Habang nag-reready kasi may mga kailangan ako asikasuhin sa labas, napansin ko si Scarlette super unresponsive. Paglapit ko sa kanya, wala din syang reaction, niyakap ko sya at sinabi kong "ALAM KONG MALUNGKOT ANAK, AT KUNG HINDI MO KAYA ANG LUNGKOT MALUWAG KONG TATANGGAPIN KUNG MAGPAPAHINGA KA NA AT SASAMAHAN SI TATAY" kung matatandaan nyo, hindi na po normal ang buhay ni Scarlette, hirap na din po talaga sya gumalaw kasi naoperahan na yung paa nya. Ihiniga ko sya ng maayos at iniwan na nakahiga sa tabi ng kama. Pero iniisip ko pa rin sya paglabas ko, kasi parang pati sya mawawala na sa akin. 🥺 Kaninang hapon bandang 3:00pm, tumawag si Papa. Sabihin ko daw kay Mama na wala na si Madie. 😢 Masigla at masayahing aso po si Madie kaya sobrang nakakagulat. Pinag uusapan namin sa kotse pauwi, na malamang may sinalong buhay si Madie. Pag uwi ko ngayong gabi. Sobrang sigla na ni Scarlette. Nakatayo sya ng straight sa gate at parang napakalakas ng katawan, nakikipagkulitan na nga sya ulit kay Hugo. 🥺 Nakakatuwa syang makita ulit na masigla. Pero nakakadurog ng pusong isipin na wala na si Madie. 😭 Salamat sa buhay na pinahiram mo kay Scarlette aming Madelayne. 😢 Alam kong iniisip mong kailangan ko pa si Scarlette kaya ikaw na yung nagsakripisyo. Nag aalala din ako kay Mama kasi unang aso nya din si Madie at alam kong mahal na mahal nya si Madie pero wala akong narinig sa kanya kundi "HINDI AKO MALUNGKOT DAHIL ALAM KONG MAY SINAGIP SYANG BUHAY SA ATIN". Salamat sa sakripisyo nyong dalawa, lagi kong titibayan ang loob ko at lalaban sa buhay. Lagi kong pasasalamatan ang buhay ni Madie hanggang sa huling hininga ni Scarlette. 🙏🏼🥺💔
I visited Freddie today. Sabi nila, marami rin daw dumalaw sa kanya kahapon, mga fans na mahal pa rin siya hanggang ngayon. Nakakatuwa, nakakagaan ng puso. Maraming salamat sa inyong lahat. 🤍 Ang tagal ko na ring hindi dumadalaw. Sobrang naging busy ako nitong mga nakaraang araw, hindi lang dahil sa trabaho, kundi dahil pinipilit kong ayusin ang sarili ko. Dati kasi, kapag nalulungkot ako, takbo agad ako sa libingan. Para bang siya lang ang nakakaintindi sa lungkot ko. 🥺 Pero narealize ko, ayokong laging dala ko ang bigat tuwing lalapit ako sa kanya. Ayokong sa bawat pagdalaw ko, puro luha, puro sakit ang baon ko. Ayoko nang maramdaman pa niya ‘yon. Kaya ngayon, dumadalaw lang ako kapag kaya ko na. Kapag may bitbit akong kwento, hindi lang lungkot. Kapag may lakas na akong ngumiti kahit may kirot pa rin. ☺️ Kanina, ang dami kong chismis sa kanya after ko sya ipag-pray. Tulad ng dati, siya pa rin ang unang nakakalam ng mga plano ko, mga pangarap na kami lang ang may alam noon. Ngayon, ako na lang ang kailangang lumaban para doon. At sa totoo lang, hindi madali. Pero araw-araw, pinipili kong bumangon. Pinipili kong ituloy yung mga pangarap na minsang nabuo sa pagitan namin. 🤗 Para sa lahat ng katulad kong may minamahal na nauna nang nawala, hindi kayo nag-iisa. Alam kong may mga araw na ang bigat, na parang walang saysay ang lahat. Pero kahit mabagal, kahit pa isa o dalawang hakbang lang sa isang araw, ang mahalaga ay sumusubok tayo.Hindi natin kailangang maging okay agad. Hindi natin kailangang magpanggap na malakas palagi. Pero sana, huwag nating bibitawan yung mga pangarap natin, lalo na yung mga alam nating ipinaglaban din nila noon para sa atin. Laban lang. Para sa sarili mo. Para sa pagmamahal na iniwan nila. Para sa kinabukasan na alam nating deserve natin. You’re allowed to grieve and grow at the same time. ✨ At kahit mahirap, kaya natin ’to. 🤍
Nung nasa hospital kami sa 10 days namin dun grabe yung pagdry ng skin ko, tapos yung likod ko laging parang may snowflakes na nakadikit, kasi yung soap from hospital yung gamit ko kaya pag uwi ko sa bahay, grabe talaga yung baltik baltik na dark color ng leeg, likod, batok, dibdib at sa upper part ng tiyan ko. Pero after 2 days nag clear na sya ulit dahil dito sa Koppi Shea Coffee Scrub Soap ng Beautylust, mula noon hanggang ngayon hindi nagbabago yung quality. Bukod pa dun, nakapabait din ng CEO ng sabon na to. Lagi lang naka-alalay sa akin, yung care na binibigay nila hindi lang sa skin ko but sa akin personally, grabe. 🤍 Ganito din talaga yung mga dapat nating sinusuportahan eh, lumalaban yung products and yung may ari hindi ka iiwanan. 🙏🏼 Sa mga sumusuporta sa akin na gustong mag glow, pumuti at mag expoliate at mawala yung pagkadry ng skin nila, try this. Nasa yellow basket yung link nito. At dahil affiliate nila ako, pag nag order kayo nito, hindi lang magiging healthy and glowing ang skin nyo at hindi nyo lang ako sinuportahan, tinulungan nyo rin ako para ma sustain yung pangangailangan ng mga dogs ko. 🤗